Isa sa matinding suliranin ng kalusugan sa ngayon na siyang gustong bigyan pansin ng Kagawaran ng Pangkalusugan ay ang patuloy na pag dami ng mga tao na may sakit na HIV/AIDS. Ito ay isang sakit na kung saan marami sa atin ang hindi parin matnggap sa lipunan ang mga taong may ganitong klaseng sakit. Kaya naman ito ay isang masasabing isang usapin na may mabigat na diskurso at pagtatalo mula sa mga iba’t – ibang pananaw ng nakakarami. Dahil dtio, sari-saring opinion ang nagsisilabasan sa mga paniniwalang ang sakit na ito ay isang skit na kung saan pinandidiriian ng nakakarami.
Noong 2008 ay isa lamang kada araw ang naitalang bagong kaso ng HIV ayon sa Kagawaran ng Pangkalusugan sa ating bansa (DOH). Nakababahala ang patuloy nitong pagtaas. Pumalo na sa 22 ang bagong kaso ng HIV kada araw para sa taong 2015. Ang pananaliksik na ito ay tugon sa lumalalang kalagayan ng HIV sa bansa. Sa partikular, layunin na mailarawan at masuri ang pananaw at gawi ng karamihan sa pormal na impormasyon sa sakit na ito. Sa taong ito, naitala ng DOH na higit sa isang pilipino kada oras ang nagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa ating bansa. Base sa datos ng Deptartment of Health (DOH), mula Enero hanggang Mayo nitong taon, nasa 4,680 na ang naitalang kaso ng HIV sa buong bansa kung saan halos 2,600 na ang nasawi rito. Sa Pilipinas, nasa 46,985 kaso na ng HIV ang naitala ng DOH mula Enero1984 hanggang Agosto ngayong taon.


Giit ng DOH, hindi kailangang matakot ang publiko bagkus ay dapat harapin ang lumalalang realidad ng HIV. Dagdag nila, libre ang anti-retroviral therapy para sa lahat ng magpopositibo sa HIV. Maging ang Palasyo, humiling ng kooperasyon upang labanan ang sakit at ang kaakibat na stigma nito. Dahil sa maling pananaw at sari-saring argumento ng mga taong kulang sa impormasyon sa sakit nito, ang siyang malaking dahilan kung bakit karamihan sa atin ay takot na magpasuri ng dugo o ang tinatawag na HIV screening. Iginiit din ng DOH, na dahil sa stigma na nararanasan ng mga taong takot magpakuslta ay siyang nagiging dahilan kung bakit patuloy ang pagdami ng mga namamatay at hindi naaagapan agad. Kung magwang isatma ang ganitong klaseng maling pananaw ng nakakarami, higit sa msayang lipunan ang matatamasa natin lahat.
Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng HIV at AIDS:
i) ang pamamaga ng mga kulani (lymph nodes) na tumatagal ng may mga tatlong buwan,
ii) pag-ubo at pagkakaroon ng lagnat na tumatagal ng may higit sa isang buwan,
iii) pagiging madaling mapagod kahit wala namang ginagawa,
iv) ang pagbaba ng timbang, pangangayayat,
v) mga sugat o sakit sa balat na hindi gumagaling,
vi) ang pagtatae. Maaaring tumagal ang impeksiyon simula 5-10 taon bago maging ganap na AIDS ang sakit. Sa kadalasan, walang nakikitang mga palatandaan ang isang taong may impeksiyon sa HIV.

Naisasalin ang HIV sa ibang tao sa pamamagitan ng:
i) pakikipagtalik na walang proteksiyon sa isang taong may HIV o AIDS,
ii) sa pagsasalin ng nakontaminahang dugo,
iii) sa paghiram ng heringgilyang ginamit ng taong may HIV/AIDS,
iv) paggamit ng mga hindi malinis na karayom ginamit sa pagpapatattoo o body piercing, at
v) ng isang inang may HIV o AIDS sa isang sanggol sa kapanahunan ng pagdadalantao, panganganak at pagpapasuso.
HINDI nakukuha ang HIV mula sa paghahalikan, laway, yakapan, pag-ubo, luha, pawis, pagbahing, pakikipagkamayan, paghihiraman ng damit, pakikisalo sa pagkain, paghiram ng kubyertos, kagat ng lamok o paggamit ng kubeta.
Pag-iwas at pag-iingat:
A – abstinensiya (pagpipigil at pagtanggi)
B – be faithful (isa lang ang katalik)
C – correct use of condom
D – droga iwasan o “don’t take drugs”
E – (maagang pagpapatingin at pagpapagamot sa doktor o pagamutan)

Ang tamang pagbibigay edukasyon sa nakakarami ang siyang magsisilbing gabay upang matanggap sa lipunan ang mga taong nanganganib dulot ng sakit na ito. Sakaling magawang maunawaan ng pangkalahatang lipunan ang usaping diskriminasyon at stigma at ilang haka-haka, maraming taong may HIV ang matutulungan upang hndi matakot na harapin ang suliranin. Magiging isang hakbang din ito upang ang mga aktibong tao sa sex ay magkaroon ng kumpyansa at laks ng sarili na magpasuri sa tinatatawag na HIV Screening na inilathala ng WHO at ng DOH. Ito’y makakatulong din upang mapalganap ang pangkalahatang impormasyon sa publiko na tulong tulong upang itigil at mawakasan ang patuloy na pgdami ng kaso ng sakit na HIV sa bansa at sa buong mundo.
Sa karagdagang impormasyon:
References
tp://www.scribd.com/doc/43461628/mga-dapat-malaman-sa-sakit-na-hiv-infections-at-aids




























